Walang pabaon sa AFP sa panahon ni Enrile– saksi

TAHASANG sinabi ng pangunahing saksi na walang nangyayaring “pabaon at payola system” sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panahon ni Senate President Juan Ponce Enrile bilang kalihim ng tanggulang bansa.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona III, sinabi ni Perla Valerio, dating AFP budget officer na walang nangyayaring “pabaon” noong panahon ni Enrile.

Kasabay nito, bago tumestigo si Valerio sa Senado, hiniling nito sa komite na huwag gamitin ang anumang ihahayag nito sa pagdinig at hindi ito puwedeng gamitin laban sa kanya o magkaroon siya ng immunity sa anumang kaso.

Pagkatapos na sumumpa si Valerio sa kalihim ng komite, “sumingit” si Enrile kung kakilala ito ni Valerio noong nagsimula itong manilbihan sa AFP noong 1967.

“Noong panahon ko ba bilang kalihim ng national defense, mayroon na bang pabaon noon,?” tanong ni Enrile kay Valerio.

“Wala pong pabaon noon,” ayon kay Valerio.

“Gaano po (ang) pagkakakilala ninyo kay Senate President Enrile noon,” tanong ni Sen. Jinggoy Estrada kay Valerio.

“Matalino, mabait at saka guwapo,” ayon kay Valerio.

Ayon kay Valerio, sa tagal na siyang naninilbihan sa AFP bilang civilian budget officer, napabilang na siya sa comptroller family ng militar partikular ang pasalubong, buwanang payola at pabaon pagkatapos manilbihan ng isang chief of staff sa AFP.

Kasabay nito, inaprubahan din ng komite sa pamumuno ni Guingona ang kahilingan ni Valerio na magkaroon siya ng immunity laban sa anumang ipahahayag niya sa Senado hinggil sa korapsiyon sa AFP.

“Before she testifies, the witness seeks immunity from charges in exchange for her testimony here. Duly noted,” ayon kay Guingona. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply