Walang pang-boundary nagbigti

DAHIL sa problema kung saan kukuha ng pambayad ng boundary sa minamanehong tricycle ay minabuti na lamang ng 35-anyos na driver na kitlin ang sariling buhay makaraang magbigti sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Edwin Silbano, ng Parola Compound, nasabing lungsod.

Sa report ni PO3 Efren Flores, ng MPD-Homicide Section, alas-3 ng madaling-araw kanina nang magbigti sa comfort room  ng isang karinderya ang biktima.

Ayon kay Elizabeth Javier, may-ari ng karinderya, nagulat na lamang siya nang pagpasok sa CR ay makita niyang nakalambitin na ang biktima gamit ang dilaw na nylon cord.

Nabatid na regular umanong customer ni Javier ang biktima at bago ang pagpapakamatay nito ay naringgan siyang namumroblema kung saan kukuha ng pang-boundary.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

Walang pang-boundary nagbigti

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply