Walang takot sa shabu pusher, huliin ninyo !!!

ISANG dalaga ang nag-text sa atin at isinusumbong ang barkadang pusher ng shabu ng kanyang dating boyfriend sa Antipolo, Rizal.

Bilib naman ako sa shabu pusher na tinutukoy ng dalaga. Aba’y, kalalabas lang niya ng kulungan sa kasong drug pushing ay nagbebenta na naman. Walang kadala-dala ang tarantado at hanggang hindi siya nale-lethal injection ay di magbabago ang ugok.

Paging Antipolo COP Supt. Rodino Elfa, pakitrabaho niyo nga‘yang shabu pusher na si alyas Boyong. Sa Sitio Padilla nakatira yan.

Basahin natin ang nilalaman ng reklamo ng dalaga sa text message.

May reklamo sana ako sa inyo, Sir Johnny. Kaso ayaw ko sanang malaman nila na ako ang nagsusumbong. Yung barkada ng ex-bf ko ay nagbebenta ng shabu. Nakulong na ang tao na yun pero nakalabas din kaagad. Sa Padilla, Antipolo siya nakatira, may naging ex-BF ako roon. Tuwing pumupunta ako sa kanila ay nakikita ko sila na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang ginagawa ng ex ko, tinatakpan niya ng kamay niya ang mata ko. Alyas Boyong ang palayaw. Di ko alam ang tunay na pangalan niya. Di ko rin alam kung saan sila kumukuha ng kanilang shabu na ibinebenta. Natatakot kasi akong magsumbong eh. Baka may mangyari sa aming masama.

Walang takot na VK men

Sa Biñan, Laguna ay hindi kumikilos sina Laguna Gov. ER Estregan at PD Director S/Supt. Gilbert Cruz para masugpo ang mga video-karera nina Boy Decena at ang partner nitong si Mon.

Wala na raw kinatatakutan ang dalawang VK operator na  ito sa Biñan. Kahit mahigpit na ang kampanya ni PNP chief Director General Raul Bacalzo sa  illegal na pasugalan ay tuloy-tuloy pa rin ang operasyon nito.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog @yahoo. com- Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply