Wanted: Large, extra large classes sa schools

ANG Department of Science and Technology-Science Education Institute (DOST-SEI) ay naghahanap ng  high schools na may ‘large and extra large classes’ na handang gumamit ng mga bago at creative na pamamaraan ng pagtuturo ng  science at mathematics.

Sa ilalim ng proyektong “Search for Innovative Practices in Managing Large Classes,” makatatanggap ng P100,000 at gawad ng pagkilala ang dalawang paaralan na may mga ‘best practices’ o pinakamahuhusay na pamamaraan sa pagtuturo.

Ayonkay DOST-SEI Officer in Charge Dr. Leticia Catris, layunin ng proyekto na mapahusay pa ang kalidad ngpagtuturo at pagkatuto sa larangan ng ‘science and mathematics’ sa public at private  high schools na may malalaking klase na binubuo ng higit sa 50 mag-aaral.

“We want to inspire teachers in applying innovative practices, sustain school-community support in managing efficiently and effectively the varied digital and non-digital learning resource environment and share collaboratively with the school and community the use of best practices in teaching and learning science and mathematics in public and private secondary schools,” ayonkayCatris.

Ang proyekto ay bukas sa lahat ng private at public high schools na may malaking bilang ng estudyante. Ang large class ay may 51-70 estudyante samantalang ang extra large class ay may 71 o higit pang estudyante.

“The project will run for two school years and in three phases, namely: Proposal Submission and Evaluation, Project Development, Implementation, Monitoring and Evaluation and Presentation of Results in a Forum/National Conference and Awarding of Winners.”

Sa first phase, pagsusumitihin ng panukala (proposal) ang mga paaralan kung paano gagamitin ang ‘seed fund’ na P100,000 sa implementasyon ng ‘innovative teaching and learning practices.’ Mula sa listahan ng schools na magsusumite ng proposal ay 10 ang pipiliin: Lima para sa large class at lima din sa extra large class na pagkakalooban ng P100,000 bawat isa para sa  ‘innovation proposal’ na kanilang isinumite.

“The proposals will be evaluated based on innovativeness (35%), doability and replicability (30%), sustainability and impact (20%) and resource utilization and cost effectiveness (15%),” ani Catris.“ Classes who will be participating in the search will be given a pre-test to benchmark their learning before and after the innovation is implemented.”

Ang dalawang top schools na nasa large at extra large classes ay pipiliin ayon sa monitoring at evaluation activities.

Sinabi pa ni Catris na karaniwang nakapipinsala ang large at extra large classes sa pag-aaral ng mga estudyante dahil hindi sila nabibigyan ng sapat na atensiyon kaya dapat humanap ng paraan para hindi mangyari ito.

“There are limitations to what you can do inside the classroom and at times the entire lesson is eaten up with attempts by the teacher to control the class. Group work is hard to manage because you have either too many groups or too large groups,”pahayagng DOST-SEI OIC.

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang teacher-student ratio sa high school sa Pilipinas ay 1:38 na sobra sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization standard na 1:30.

Umaabot sa 37,563 dagdag na mga guro ang kailangan ng bansa kung saan ang Calabarzon ang pinakamalaking may kakulangan na 6,384 teachers.

Sinabi pa ni Catris na sa pag-uugnay ng teacher-student ratio at ng kanilang National Achievement Test (NAT) results noong 2009, natuklasan na habang lumalaki ang bilang ng mga estudyante sa isang klase ay mas mababa ang grado ng nakukuha nila sa NAT.

“At the 2008-2009 NAT, students who belonged to classes less than 35 got percent scores of 43.2 and 42.7 in Mathematics and Science, respectively. However, those from classes above 50 scored 39.9 in Mathematics and 33.1 in Science,” ayon sa opisyal.

Tiniyak ni Catris na ang paghahanap ng ‘best practices’ para pangasiwaan ang  large at  extra large classes ay magbibigay ng oportunidad sa ibang paaralan na lalo pang mapahusay ang kanilang istratehiya ng pagtuturo.

“We want schools struggling with large and extra large classes to become better and produce better students who, in the future, will become our scientists, engineers, and science teachers,” pagtatapos ni Dr.Catris.  Linda Bohol

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply