Water quality management areas ipinakakasa vs polusyon sa tubig

IGINIIT ni Environment Secretary Ramon Paje na kailangang magkaroon ng water quality management areas (WQMA) na tutugon sa polusyon sa tubig.

Ayon sa kalihim, ang WQMA ay magkakaroon ng Governing Board na bubuuin ng mga alkalde at mga gobernador ng kaukulang lokal na pamahalaan, kinatawan ng mahahalagang ahensiya ng gobyerno, nakarehistrong non-government organization, water utility sector at mga negosyante.

Ang kinatawan mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang magiging tagapangulo ng Governing Board.

Ayon kay Paje, na kinatawan ni DENR Assistant Secretary Analiza Teh sa isang forum kamakailan, mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng mga lokal na pamahalaan para muling mabigyang buhay ang ating namamatay na mga ilog, lawa at iba pang daluyan ng tubig.

Anang kalihim, kailangan ang aktibong suporta mula sa lokal government units (LGUs) para matugunan ng tama ang pagkasira ng ng mga ilog sa Metro Manila at iba pang urban centers sa buong bansa.

“Designating water quality management areas is an important tool in enforcing the Clean Water Act. It also allows focused interventions to address water quality issues to be developed and implemented in a particular locality,” paliwanag ni Paje.

Nakiisa naman si Dagupan City Mayor Benjamin Lim hinggil sa WQMA at iba pang responsibilidad para maipatupad ang Republic Act 9275 o ang Philippine Clean Water Act.

Nakibahagi rin sa nasabing usapin ang lahat ng regional directors ng Environmental Management Bureau (EMB) mula sa Regions 1, 3, 6 at 12.

“We are working towards designating more river systems as water quality management areas. But more importantly, we are currently working closely with key stakeholders in these areas to mobilize their governing boards which can be quite a challenge in itself,” ayon pa kay Paje. Robert C. Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply