WHO: Sobrang iodized salt, nakalalason

NAGBABALA ang World Health Organization (WHO) na nakalalason ang labis na pagkain o overdosed sa iodized salt.

Ang babala ay inilabas ng WHO kasunod ng ulat na may mga taong kumakain ng sobra-sobrang iodized salt o sodium chloride upang protektahan ang kanilang sarili laban sa nuclear radiation mula sa bansang Japan.

Ayon sa WHO, mapanganib para sa mga tao ang kumain ng maraming iodized salt upang makaiwas lamang sa epekto ng radiation.

“It is dangerous to take large amounts of iodized salt in order to increase the amount of stable iodine in the body. Increasing one’s daily intake of iodized salt will cause more harm than good,” anang WHO, sa isang advisory sa website nito.

Ang sodium chloride umano ay “acutely toxic” kung labis ang pagkonsumo nito. Ito ay  maaaring magresulta sa pagkalason kung paulit-ulit na kinakain kahit pakutsa-kutsara lamang.

Dagdag pa ng DOH, batay sa pag-aaral, ang inirerekomenda umanong amount ng iodine intake para sa matatanda ay 150 micrograms lamang kada araw, habang 70 hanggang 150 micrograms naman para sa mga bata, 175 micrograms para sa mga buntis at 200 micrograms naman para sa mga nagpapa-breastfeed na ina.

Nilinaw din ng WHO na hindi maaaring gawing pamalit ang iodized salt at iba pang uri ng iodine sa potassium iodide pills upang labanan ang epekto ng radiation.

“Other products that contain iodine, other than medicines, should not be taken unless it is recommended by public health authorities,” ayon pa ng WHO.

Matatandaang napaulat na maraming tao ang nagsibilihan ng iodized salt dahil sa pangamba na makaabot ang radiatiion mula sa napinsalang nuclear reactor sa Japan sa Pilipinas.

Nagpayo na ang Japanese authorities sa kanilang mamamayan na uminom ng potassium iodide na proteksiyon laban sa ‘thyroid cancer’ sakaling magkaroon ang mga ito ng ‘radioactive exposure,’ ngunit ito ay para sa mga residente lamang na naninirahan sa 30-kilometer zone ng Fukushima Daiichi nuclear power plant. Klye Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply