Winning streak ng Bulls tinapos ng 76ers

TINAPOS ng Philadelphia 76ers ang pamamayagpag ng Chicago Bulls sa kanilang homecourt matapos ang 97-85 na panalo ng una sa nagaganap na 2010-’11 National Basketball Association (NBA) regular season.

Dahil hindi mapigilan ng Sixers ang panunuwag sa scoring ni Bulls guard Derrick Rose ay pinapuntos na lamang siya sa pahirapan na tira.

“He’s (Rose) so aggressive offensively that we tried to be aggressive with him,” pahayag ni 76ers forward Elton Brand na tumikada ng 13 points at siyam na rebounds.

“Jrue Holiday didn’t score a lot of points, but he was the main guy on him. The bigs trapped well and we just tried to make it tough on him. It’s hard to stop him.”

Tumipon ng 23 puntos na kalamangan ang 76ers sa first half bago naibaba ng Bulls sa apat sa final canto subalit kinapos ang huli kaya nairaos ng una ang kanilang paghihirap at itarak ang 38-36 win-loss card at manatiling nasa pang anim na puwesto sa Eastern Conference.

“The first time we walked into this building, we got beat by 45 points and now we’ve beaten them the last two times we’ve played them,” sabi ni Sixers coach Doug Collins. “This is the best team in the East, so our guys should know we should be capable of playing against anybody.”

Si 76ers bench player Thaddeus Young ang umunat ng maraming puntos na may 21, pitong boards at dalawang assists habang pumangalawa si Andre Iguodala na may 19 puntos at tig pitong rebounds at assists.

Kahit pahirapan ang puntos ni Rose ay nakagawa pa rin ito ng 31 points, five assists at four boards subalit mayroon din siyang 10 turnovers.

“We came out sluggish. This one is definitely on me,” malungkot na saad ni Rose. “Just me taking care of the ball and missing shots that I normally hit. Just careless, some of them was me driving and kicking the ball off my foot. ”

Natapos sa 14 game homecourt winning streak ang Bulls subalit nananatili pa rin itong nag so solo sa top spot ng EC na may 53-20 panalo-talo karta.

“It gets ever tougher now where teams are fighting for a spot,”sabi pa ni Rose. “And when you come out like we did tonight, like I did tonight, you are going to lose games.”

Samantala, kinaldag ng Indiana Pacers ang Boston Celtics, 107-100 upang mapatigas ng una ang pagkakakapit sa eight spot ng EC.

Sa ibang NBA resulta, nanalo ang New York Knicks sa Orlando Magic, 113-106 habang nagwagi ang Portland Trail Blazers sa San Antonio Spurs, 100-92. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply