Wizards tambak sa Bulls

WALANG kahirap-hirap na sinuwag ng Bulls ang Wizards matapos tambakan ng una ang huli, 105-77 sa pagpapatuloy ng 2010-11 National Basketball Association (NBA) regular season.

Nagpakitang gilas mula 1st canto hanggang sa last quarter sina Derrick Rose, Joakin Noah at Luol Deng upang ilista ang 41-17 win-loss card ng Chicago at makahabol sa Miami Heat sa second best team standing sa Eastern Conference kung saan ay ang Boston Celtics ang nangunguna.

Pinalusot ni Rose sa pagitan ng kanyang hita ang pasa nito kay Noah para sa isang fast-break dunk sa first quarter, isang 3-pointer ang isinalpak ni Deng sa haltime buzzer.

Sa 4th canto parehong binigyan ni Rose sina Deng at Noah para sa back-to-back dunks upang umalagwa ang lamang sa 24 puntos.

Gumawa rin ng 21 puntos si Deng habang si Noah ay may 19 pts. 11 boards at isang assist.

Si Andray Blatche ang umiskor ng malaki para sa Wizards kung saan ay 15 ang sinalpak nito kasama ang 11 rebounds at isang assist.

Samantala, tinalo ng Boston Celtics ang Utah Jazz, 107-102 habang inihaw ng Denver Nuggets ang Atlanta Hawks, 100-90. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply