World Cup Pilipinas sa Rizal Park sa Linggo

INAASAHANG dadagsa sa Luneta ang mga nais panoorin at suportahan ang Philippine Team na kalahok sa football tournament na gaganapin sa open football field ng Rizal Park sa Quirino Grandstand, Ermita, Manila.

Ayon kay Juliet Villegas, head ng National Parks Development Committee (NPDC), tinatayang aabot sa 30 koponan buhat sa iba’t ibang dako ng mundo ang lalahok sa WCP2 tulad ng Sudan, India, Ivory Coast, England, Netherlands, Brazil, Sweden, Korea, Thailand, Vietnam, at Nepal.

Ang nasabing palaro ay inorganisa sa pakikipagtulungan ng NPDC at Department of Tourism (DOT) na naglalayong makagawa ng mga bagong open football fields na bukas para sa lahat at mapalaganap pa ang halaga ng naturang sports sa mga Pilipino partikular sa mga kabataan.

Una nang sumikat ang Philippine National Football Team Azkals dahil sa kanilang pagpapakitang gilas sa nasabing disiplina.

“The football fever currently taking the nation by storm was set-off when the Philippine National Team, known as the Azkals, was disallowed to play an international tournament on home ground due to inadequate facilities, following heroic victories overseas.  This highlights the fact that not only do we lack tournament-standard pitches, as viewed by main football movers abroad, but we simply do not have enough football fields of any kind,” pahayag ni Villegas.

Samantala, ayon naman kay TJ Besa III, isa sa mga pangunahing punong abala sa naturang event noong nakalipas na taon, sa pamamagitan pa rin ng World Cup Pilipinas kung saan nanalo ang Philippine team ang dahilan kaya nakapagpagawa sila ng open football fields sa Cultural Center of the Philippine’s (CCP) field Liwasang Ipil-Ipil. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply