Yaman ng mga Ligot huwag lubayan -Drilon

HINDI umano dapat tantanan ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paghahabol sa sandamakmak na di-maipaliwanag na kayamanan mag-asawang ex-military comptroller Jacinto at Erlinda Ligot.

Ito ang apela ni Sen. Franklin Drilon sa BIR at DOJ. na may kapangyarihang habulin at papanagutin ang mag-asawang Ligot.

Iginiit ni Drilon na bukod sa forfeiture at tax evasion case laban sa mga Ligot, kakasuhan na rin ng pandarambong si Jacinto Ligot at korapsyon naman kay Erlinda.

Hinikayat din ni Drilon ang mga nasabing ahensiya ng gobyerno na habulin sa mga Ligot ang milyong dolyares at investment bonds, ang hacienda at poultry farm sa Bukidnon, at mga yaman na ikinubli sa pamamagitan ng mga dummy.

Samantala, dapat umanong may makitang resulta ang taumbayan mula sa serye ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa katiwalian sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa ginanap na hearing ng komite, umaasa si Drilon na kikilos ang DOJ at BIR upang umusad ang mga nakatenggang corruption cases sa Office of the Ombudsman. Johnny F. Arasga/Photo by: Rudy Rabulan

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply