Yambao iginisa sa nakulimbat ni Gen. Ligot

HALOS nagkabulol-bulol sa lahat ng tugon si Edgardo T. Yambao sa mga katanungan ni Sen. Franklin Drilon hinggil sa multi-milyong deposito sa ilang pribadong bangko na hinihinalang ipinasa sa kanya ni dating AFP comptroller B/Gen. Jacinto Ligot.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona III, unang pinabulaanan ni Yambao ang multi-milyong deposito sa iba’t ibang bangko, ngunit kalaunan ay bigla niyang inamin na mayroon siyang “previous account” dito.

Ayon kay Drilon, natuklasan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na mayroong mutli-milyong bank account si Yambao sa ilang bangko na umaabot sa kabuuang P255 milyon sa kabila nang ideneklara nito sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na wala siyang kinita mula 1999 hanggang 2003.

“I cannot confirmed and never admit na nagkaroon ako ng ganyan kalaking account, kaya nagtataka po ako na nagkaroon ako ng ganyang account, hindi ko po ini-waive ang aking karapatan under the Bank Secrecy Law,” ayon kay Yambao.

Tinatanong ni Drilon na kung bakit siya nagkaroon ng kabuuang P255M deposito at halaga ng ari-arian simula noong 1999 hanggang 2003 kabilang ang P25 milyon halaga ng condominium unit sa Essensa Tower sa Taguig City na kanyang inamin na kanyang pag-aari.

Ayon kay Yambao, hindi niya maaaring kumpirmahin ang mga binanggit na bank account ni Drilon na mayroong iba’t ibang account number na natuklasan ng AMLC dahil nakabimbin ang kasong tax evasion sa Court of Appeals.

Nakuha ni Drilon ang records ng AMLC sa records ng Makati Regional Trial Court Branch 21 na dinidinig naman ang iba pang kaso ni Ligot.

Una nang hinala ni Drilon na ipinasa ni Ligot kay Yambao ang nakulimbat na pondo mula sa pabaon system sa Armed Forces of the Philippines mula 1999 hanggang 2003 nang nanilbihan ang heneral bilang comptroller ng AFP. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply