Yambao pinakakasuhan ng tax evasion sa BIR

INATASAN ni Sen. Franklin Drilon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na kasuhan ng tax evasion case si Edgardo Yambao, bayaw ni dating AFP comptroller B/Gen. Jacinto Ligot, hinggil sa hindi pagbabayad ng buwis sa P255-milyong nakadeposito sa bangko.

Sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Drilon na dapat nakapagbayad si Yambao ng mahigit P90-milyon na buwis, hindi pa kasama rito ang interest at supisyenteng charges.

Ipinaliwanag ni Drilon na base sa sertipikasyon na ibinigay ng BIR sa Makati Regional Trial Court, hindi nakapaghain si Yambao ng Income Tax Return (ITR) mula 1999 hanggang 2003, ngunit nagkaroon siya ng aabot sa P255-milyong deposito at halaga ng ari-arian.

“You owe the government in the amount of P90-million in taxes just for these deposits without interest and sufficient charges,” ayon kay Drilon.

Sa tugon ni Yambao, hindi aniya siya nakapagsumite ng ITR pero nagbayad naman siya ng buwis bilang final tax kabilang ang $20 withholding tax sa ilang transaksiyon nito sa pagnenegosyo.

“Noong 1999, hindi ako nakagpag-file ng Income Tax, pero nagbayad ako ng taxes in form of final tax and 20% withholding tax,” paliwanag ni Yambao.

Ayon kay Yambao, nagretiro siya sa pagnenegosyo tulad ng pangangalakal at consultancy sa ilang kaibigan noong 1999 dahil nagkaroon siya ng problema sa puso kaya nagpahinga upang hindi mapagod.

Naging supplier din umano siya sa ilang supermarket, ngunit hindi naging supplier ng AFP.

Ayon kay Drilon, sa kabila nang kawalan ng kinikita mula noong nagretiro sa pagnenegosyo noong 1999, nakabili si Yambao ng mamahaling condominium unit tulad ng P25-milyong halaga sa Essencia Tower sa Taguig City mula kay Erlinda Ligot base sa Deed of Sale na nakuha ng komite sa korte.

Ayaw din ni Yambao na alisin niya ang kanyang karapatan sa ilalim ng Bank Secrecy upang masuri ng Senado ang lahat ng mga bank account kung saan naka-deposito ang mahigit P255-milyon na hinihinalang kinulimbat ni Gen. Ligot sa militar. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply