Yaya ni Piolo Pascual certified chef na!

SUCCESS is a journey, not a destination.

At para kay Moi Marcampo—o mas kilala bilang Yaya Moi—mukhang naging maganda naman ang biyahe niya upang maging matagumpay.

Ang yaya-turned-reality star, ngayon ay chef na makaraang pag-aralin ng matinee idol na si Piolo Pascual.

“Sabi ni Piolo, ‘Sige, mag aral ka.’ Kasi matagal ko nang gustong mag-aral ng Culinary, kasi mahilig akong magluto. Ayun, kaya pinaaral niya ako,” kuwento ni Moi sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central.

Noong Pebrero 26, Sabado, nakuha ni Moi ang kanyang diploma in Culinary Arts and Professional Kitchen Management sa tulong na rin ni Piolo.

Kaya naman isa sa major wish ni Moi noong graduation niya ay makasama ang taong nagpaaral sa kanya.

Kuwento ng dating Survivor Philippines Celebrity Challenge castaway, “Kagabi po, kasi sa kanya ako nakatira, parang kinausap ko, ‘Punta ka naman, daan ka naman, tutal late pa naman yung work mo.’

“Sabi niya, ‘A, hindi ako pupunta. Huwag ka nang umasa baka masaktan ka lang.’

“Meron po kasi siyang TVC na gagawin, pero four o’clock pa, so sana dumaan naman siya. Siguro ako ang pinakamasayang yaya sa buong mundo!” asam pa niya.

At hindi nga siya natiis ni Piolo, na bagamat hectic ang schedule sa trabaho, still found a way to be present and attend one of Moi’s most special days.

“Na-surpise po ako kasi sabi niya kanina ayaw niyang pumunta. Tapos nag-stay siya, tumagal siya hanggang sa binigay eto at saka eto (medal and diploma), ikinabit ito (toque). Tiningnan ko, andun pa din siya,” masayang-masayang sabi ni Moi.

Sa video nga na ipinalabas ng Showbiz Central, ipinakitang tahimik at nakangiting nakaupo si Piolo sa area ng mga pamilya, relatives, and friends ng graduates. Kasama ni Piolo ang matalik na kaibigan niya na si Direk Joyce Bernal.

Sabi naman ni Piolo, “Well, actually buti na nga lang umabot… Late yung call time ko for my shoot, so nakaabot ako to surprise her. I’m happy because at least nandito, nakita ko talaga na yung pinagtrabahuhan niya ng more than one year, nagbunga.”

Sunud-sunod nga ang biyayang natatanggap ni Moi. Bukod sa kanyang pagga-graduate ay kasama rin siya sa cast ng bagong primetime series ng GMA-7 na Magic Palayok.

Ngayong may regular show na si Moi at may diploma pa, may plano na raw siyang magsimula ng bagong career.

“Iniipon ko yung pera ko kasi balang-araw, dahil nag-aral naman ako, sayang naman pag hindi ko nagamit. So, ayun, iniipon ko siya para after ng ilang years, may pampuhunan ako ng restaurant,” sabi niya.

Suportado rin ni Piolo ang pangarap na ito ni Moi.

Ayon sa Kapamilya actor, “Iyan naman ang naa-appreciate ko sa taong ‘yan, kasi kahit na hindi na niya ako kailangan, she always finds time to be with us. Pumupunta sa taping ko, nagluluto pa rin sa bahay, at siya pa rin ang nag-aasikaso ng gamit ko.”

Kaya walang ibang naging hirit si Moi kundi ang “Uma-artista na, yuma-yaya pa, tsumi-chef pa, di ba? Bongga!” Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply