Yaya tinamaan ng ligaw na bala

ISANG YAYA ang nagpapaligo ng kanyang alaga nang bigla na lamang humandusay nang tamaan ito nang ligaw na bala sa tagiliran ng katawan kaninang umaga, March 29 sa Cainta, Rizal.

Ang biktima, na agad isinugod sa Marikina Valley Medical Center, ay nakilalang si Merly Balicoco,18, stay-in yaya, ng 31 V-Pasko St., Barangay San Isidro sa nabanggit na bayan.

Bandang 9:30 ng umaga nang nagpapaligo ang biktima ng kanyang alaga nang makarinig nang malakas na alingawngaw ng putok ng baril na ikinagulat ng biktima.

Sa pahayag ng kasama ng biktimang kasambahay, nakita na lamang niya ang biktima na humandusay matapos makarinig ng putok ng baril na posible umanong nanggaling sa labas ng bahay.

Agad silang humingi ng tulong sa mga pulis, na agad namang nagresponde.

Nakuha sa labas ng bahay ng biktima ang isang basyo ng bala ng baril buhat sa kalibre .38 revolver. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply