Yes Pogi kikilatisin sa Commissioner’s cup

MAPIPILITANG patunayan ni Yes Pogi na karapat-dapat siyang tanghaling horse-of-the-year sa pagsagupa nito kontra siyam na matitikas na kabayo sa magaganap na 2011 Philracom “Commissioner’s Cup” sa darating na Sabado sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Pinarangalan si Yes Pogi noong Sabado Marso 6 sa naganap na PSA-Coca-Cola Annual Awards Night sa Manila Hotel.

Subalit pihadong pahihirapan siya ng kanyang mga katunggali lalo na si Righthererightnow na sumegundo sa kanya
sa 2010 Presidential Gold Cup championships.

Nakopo ni Yes Pogi ang PGC matapos parematehin ng kanyang hinete na si Manolito “Butchoy” Daquis.

Bagama’t deklaradong lalahok pa lamang sina Yes Pogi at Righthererightnow sa nasabing gaganaping karera ay inaasahan na rin ng mga karerarista na mananatili si Daquis sa pagkabay sa una.

“Sigurado si Butchoy (Daquis) na rin ang rerenda kay Yes Pogi kasi gamay na niya ito.” wika ni Ernesto Fajardo, veteran racing aficionado.

Ang ibang nagpahayag ng pagsali sa event na may distansyang 1,900 meter race ay sina, Mr.Diamond, Well Well
Well, Shining Fame, Thotis Best, Boni’s Gem at couple entring Carriedo at Go Army.

May nakalaang P720,000 para sa mananalong kabayo, P270, 000 ang maiuuwi ng second placer habang P150,000 at P60,000 ang masusungkit ng third at fourth placer ayon sa pagkakasunod. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply