Yes Pogi rumampa sa Commissioners’ cup

AND finally Yes Pogi!

Ito ang sinigaw ng race caller matapos tawirin ni Yes Pogi ang meta sa naganap na 2011 Philracom Commissioners’ Cup noong Sabado ng hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Kagaya ng inaasahan, pinaremate ni veteran rider Manolito “Butchoy” Daquis si reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) horse-of-the-year Yes Pogi upang sungkitin ang halagang P720,000 na premyo.

Sa unang lundag hindi nakasabay ang pag-aari ni Francis Lim na si Yes Pogi sa mga matutuling sina Thotis Best at Well Well Well na naglulutsahan.

“Mahaba naman kasi ‘yung distansya kaya hindi ako nagmadali at saka alam kong malakas rumemate si Yes Pogi kaya kampante rin ako na lalampas kami sa kanila huwag lang talaga magkaroon ng masamang insidente.” paliwanag ni Daquis.

Papasok ng huling kurba ay pantay na sina Yes Pogi at Righthererightnow sa unahan at pag dating ng rekta ay malinaw na ang panalo ng una.

Nanalo si Yes Pogi ng may pitong kabayo ang distansya sa nasegundong si Righthererightnow kung saan ay nakapagtala ito ng tiyempong 2:02 sa 1,900 meter race.

Nakopo ni Righthererightnow, ginabayan ni many time PSA JOY awardee Patty Ramos Dilema ang halagang P270,000 para sa second placer habang P150,000 at P60,000 ang naibulsa nina Well Well Well at Thotis Best para sa third at fourth placers ayon sa pagkakasunod. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply