Younghusband bros sumugod sa Taguig

NAKATANGGAP ang mga public school teachers ng Taguig at Pateros ng exclusive football training session mula sa magkapatid na Phil at James Younghusband.

Ayon sa ulat, ginanap ang training sa Navy Village Parade Grounds sa Fort Bonifacio.

Tinawag na Train the Trainers Program, ang 250 teachers ay lumiban muna sa pagbabasa ng aklat para mag-aral nang maraming ideya sa football.

“We really want to make football known in the country. And we’re doing it one camp at a time through The Younghusband Football Academy (TYFA). We’re really happy because the teachers were very participative,” pahayag ni Phil.

Pinanood ng mga grupo ang aktwal na laban sa football gayundin ang basics sa nasabing larangan.

“Kung ganyan ang magco-coach sa’kin, okay lang kahit magbilad sa araw eh,” ayon sa isang titser.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply