NAGLUNSAD ng kampanya laban sa lumalalang kaso ng illegal recruitment at human trafficking sa bansa ang pamunuan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Sinabi ni POEA Administrator Carlos Cao, Jr. na isinulong nila ang programang POEA Citizen’s Watch Against Illegal Recruitment and Human Trafficking upang protektahan ang mga mamamayan na nais lamang ay makahanap ng magandang trabaho [...]
APAT na bala ang bumaon sa katawan ng isang pulis nang barilin ng lalaking lulan ng motorsiklo habang pumapasada sa kanyang sariling pampasaherong jeep sa Quezon City. Namatay habang ginagamot sa Chinese General Hospital (CGH) sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang sina SP03 Ferdinand Eugenio, miyembro [...]
MINAMADALI ng mga kabataang ito ang paggawa sa props na gagamitin ng Kilusang Mayo Uno para sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa Linggo, Mayo 1.
NABAHIRAN ng dugo ang isang masayang okasyon nang may 10 kabataan ang lumusob sa isang wedding reception sa Quezon City, Sabado ng madaling araw, Abril 30, at binaril ang tatay ng lalaking ikinasal matapos holdapin ang bagong kasal at kanilang bisita ng kanilang mga mahahalagang gamit. Dead on arrival sa Fairview General Hospital (FGH) sanhi ng tinamong [...]
INAASAHANG dadagsa sa lansangan sa Labor Day, Mayo 1, ang mga pampublikong guro upang hilingin ang pagtaas ng kanilang sahod sa gitna ng pagtataas ng presyo ng mga bilihin at tutulan ang malawakang kontrakwalisasyon sa kanilang hanay lalo na ang mga guro ng kindergarten. Sinabi ni ACT Teachers Party-List Representative Antonio L. Tinio na dapat lamang na ipaglaban ng mga manggagawa ang kanilang makataong sahod sa nagbibingi-bingihang administrasyong Aquino hinggil sa mga nagiging karaingan ng manggagawa kabilang na [...]
ISANG military intelligence officer ang pinatay ng kanyang sariling tauhan, na umano’y napuno sa kalupitan nito sa kanya. Dahil dito, binaril ni S/Sgt. Erwin Aplacador, 36, sa ulo si M/Sgt. Jimmy Quilang, 46, kaninang umaga sa lungsod ng Tuguegarao, ayon sa ulat ng pulisya . Naaresto na ng Tuguegarao police at kasalukuyan nang nakakulong ang [...]
IGINIIT ni Rep. Ben Evardone ng pagbabago sa antigo ng Labor Code sa bansa dahil hindi na ito naangkop sa kasalukuyang pagdagsa ng mga manggagawa sa BPO sektor at iba’t-ibang fields ng information technology. Ayon kay Evardone, ang pagrebisa ng Labor Code ay dapat na isagawa ng dalawang sangay ng Kongreso sa lalong madaling panahon dahil sa kawalan ng pag-define ng work rules ng may 10,000 [...]
NILINDOL ng magnitude 5.1 ang Batanes, pahayag ng state seismologists na nagbabalang maghanda sa posibleng aftershocks. Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na naitala ang lindol pasado alas 9:12 p.m. Biyernes. Tectonic ang origin ng lindol. Sinabi ng Phivolcs na ang sentro nito ay 75 km northeast ng bayan ng Basco. Samantala, [...]
TINANGAY ang motorsiklo ng isang bagitong pulis habang nagse-seminar ito sa Department of Tourism sa Rizal Park, Ermita, Manila Sabado ng hapon, Abril 30. Agad na nagreport sa tanggapan ni Chief Insp. Joie Yape Jr., hepe ng MPD- Anti-Carnapping & Hi-jacking Unit, si PO1 Edward Gamotela, nakatalaga sa Tourist Belt area , para maghain ng [...]
ISA na namang Chinese-Filipino businessman ang dinukot ng mga armadong kalalakihang hinihinalang mga militanteng nakaugnay sa international terrorist group na Al Qaeda sa Sulu Sabado ng umaga. Ngunit ayon naman sa impormasyong natanggap ni Sulu PNP operations chief Amil Baanan, walong hinihinalang milyembro ng Abu Sayyaf na pinamumunuan ng isang Asman Sawadjaan ang nagsagawa ng [...]