Solusyon ni PNoy sa oil crisis kinondena

NANAWAGAN sa gobyerno ang isang militanteng mambabatas na ayusin ang problema sa langis sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Joel Maglunsod, executive vice president ng Anakpawis party-list group, pagod at galit na ang mga magsasaka, mangingisda, tsuper at iba pang manggagawa sa mga pekeng solusyon ng Aquino administration sa oil price hike tulad ng “pantawid pasada” subsidy.

Aniya, hindi kailangan ng masa ang mga pekeng remedyo dahil sobra na ang paghihirap nila.

Mas dapat umanong ibasura na ang oil deregulation law, at i-regular din ang presyo ng langis. Dapat din umanong i-nationalize ang oil industry.

Aniya, hindi pangmatagalan ang “pantawid na solusyon” ng administrasyong Aquino dahil gagawin lamang niya ito hanggang hindi  tumataas ang kanyang ratings sa masa.

Sinabi pa ni Maglunsod kung gagawin lamang ng Malakanyang na “certify as urgent” ang House Bill 4317, na nagbabasura ng oil deregulation law, ay mas matutuwa pa ang sambayanang Filipino.

Aniya, ang presyo ng langis ay hindi depende sa kapritso ng oil cartel na kinabibilangan ng tatlong malalaking kumpanya ng langis sa bansa.

Dapat umano ay gobyerno ang nagpapatakbo ng presyo nito at ito ang totoong makapagtatawid sa atin mula sa pananamantala ng mga ganid na oil company.

Sa paliwanag ng House Bill 4317, idinidiin ang Pilipinas Shell, Chevron Philippines, at Petron Corp. sa sampung pinakamalalaki ang kinita noong 2009.

Sa nasabing House Bill din, nadiskubre ng National Economic Development Authority (Neda) ang overpriced na P8.12 per liter noong isang taon. Nenet L. Villafania

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply