1 NPA patay sa sagupaan

ISANG kasapi na naman ng Communist Party of the Philippines armed wing na New People’s Army ang napatay ng mga tauhan ng gobyerno sa ginawang pananalakay ng mga rebelde Biyernes ng gabi, Abril 1.

Ayon kay Army Col. Leopoldo Galon, spokesman, ng Armed Forces of the Philippine-Western Mindanao Command, naganap ang sagupaan bandang alas 11:00 ng gabi.

Sinasabing sinalakay ng may  30 rebelde na pawang armado ng mga high powered firearms ang isang military detachment ng Philippine Army 402nd Infantry brigade na naka base sa Barangay New Tubigon, Sibagat, Agusan del Sur.

Tumagal ng mahigit kalahatinmg oras ang labanan bago umatras ang mga rebelled ng makitang may nasawi na sa kanilang hanay habang sugatan naman ang iba.

Wala namang inulat na nasawi sa panig ng gobyerno.

Sa isinagawang clearing operation ay nasamsam ng mga sundalo ang isang M-16 Armalite rifle at mga claymore mines. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply