1 patay, 3 sugatan sa hagupit ng kidlat

ISANG binata ang namatay habang tatlo pa ang nasugatan matapos na matamaan ng kidlat Miyerkules ng hapon, habang naka-silong  sa lilim ng punongkahoy nang biglang umulan sa Purok 7, Barangay Casiclan, Las Nieves, Agusan del Norte.

Kinilala sa ulat ang namatay na si Michael Varquez, 24-anyos, habang ang mga nasugatan ay sina Juliano Hipolito, 54; Nasian Malapot, 30; at Presco Chavez, 40, pawang mga nainirahan sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon, naglilinis ang mga biktima sa lupang tinatamnan nila nang biglang bumuhos ang ulan ay sumilong sila sa lilim ng punongkahoy.

Nakarinig umano sila ng malakas na putok at huli na nang kanilang malaman na natamaan pala sila ng kidlat matapos masunog ang mayorya ng katawan ni Varquez. Verlin Ruiz

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply