1 patay, utol sugatan sa riding-in-tandem

TINANIMAN ng isang bala sa ulo at dead on arrival sa pinagdalhang pagamutan ang isang lalake, habang nasa malubhang kalagayan ang utol nitong babae, matapos pagbabarilin ng mga lalakeng riding-in-tandem sa Tondo, Manila nitong tanghali ng Huwebes.

Kinilala ang biktimang si Jayson Tagle, 25, may kalive-in, ng 1157 Laguna Extention, Tondo sa Barangay 227, Sona 21; kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo ll Hospital ang kapatid nitong si Julieta Tagle.

Ang riding-in-tandem na mga suspek, kung san isa rito ang armado, ay mabilis na nakatakas matapos isagawa ang krimen.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Gerry Rivera kay P/Sr.Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-onse ng tanghali nang maganap ang nasabing krimen sa isang maliit na karinderya sa panulukan ng Laguna at Narra Ext. sa Tondo.

Nabatid sa report ng pulisya na kumakain ang biktima kasama ang ilan nitong kamag-anakan kabilang ang ka-live-in at ang utol nitong babae.

Bigla na lamang umano sumulpot sa likurang bahagi ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo at walang kaabog-abog na paputukan ang biktima at madamay ang kapatid nitong babae.

Gayunman, hinala ng pulisya na paghihiganti ang naging motibo ng pamamaril.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang MPD; ang bangkay naman ng biktima ay dinala sa St. Yvan para sa kaukulang awtopsiya. Rene Crisostomo

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply