1 sugatan sa pagsabog sa Basilan

ISA ang nasugatan sa pagsabog ng improvised explosive device (IED) bago mag-6:00 ng gabi, Abril 1, sa Isabela Public Market sa Basilan.

Batay sa report ni Western Mindanao Command spokesman Lt. Col. Randolf Cabangbang sumabog ang naturang device sa stall number 12 na pagmamay-ari ni Hadji Bacora, 65, residente ng Brgy. Market Site, nabanggit na bayan.

Nabatid na inilagay sa basket ng saging ang IED na may time fuse at ipinaloob sa itim na plastic container.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Basilan Provincial Police Office at Special Operations Task Force Philippines ng Basilan sa nangyaring pagsabog. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply