10 Sarangani police sinibak sa pagnanakaw

SINIBAK sa pwesto ang 10 pulis na nakabase sa Sarangani Province matapos madawit sa pagpapaputok ng baril at pagnanakaw sa kagamitan ng sampung mangingisda sa Lago Beach Barangay Ladol, munisipyo ng Alabel Sarangani Province.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Senior Supirentendent Henry Dazo, ang hepe ng Task Force Lago na binuo ng Sarangani PNP na mag-imbestiga sa insidente ay nasa provincial headquarters na ang sampung pulis na mga miyembro ng PPSC o Police Public Safety Company, na pinamunuan ni SP02 Edwin Perlas.

Samantala, inirekomenda naman ng PNP Provincial Headquarters na ma-reassign ang sampung police sa PNP Regional Headquarters dahil sa pending na imbestigasyon at final resolution ng kaso.

Sa reklamong pinaabot ni Lino Cabug, may-ari ng pump boat kasama ang siyam na mangingisda, pinaulanan sila ng bala ng mga kapulisan, at kinuha ang  kanyang 15 million rupia o 100,000 pesos cash.

Inakusahan din ang mga pulis na kumuha ng ilang karton na puno ng laundry soap mula sa Indonesia at iba pang dokumento.

Itinaggi naman ng sampung pulis ang akusayson.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply