1,000 OFWs ipasusuri kaugnay sa sakit na malaria

MAKARAANG ma-diagnose na may taglay na Immunodeficiency Virus (HIV) ang l2-porsiyento ng  Overseas Filipino Workers (OFWs), ipasusuri naman ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) ang mga manggagawang Pinoy galing sa Madagascar, Africa kaugnay sa sakit na malaria.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon, ipapasuri ng pamunuan ng ahensya sa espesyalistang doktor sa San Lazaro Hospital ang mahigit 1,000 OFWs na galing sa Madagascar, Africa bunsod ng kumalat doon na epidemiya ng malaria.

Ayon kay  Dimzon, babayaran ng tanggapan mga gastusin kasunod ng panawagan na tulong ng mga OFWs na P10,000 financial assistance.
Sinabi pa ni Dimzon na nais nitong matiyak na ligtas ang mga umuwing Pinoy lalo na ang kalusugan ng mga ito makaraang kumalat ang malaria sa Madagascar na ikinamatay ng isang OFW.

Nabatid na kamakailan ay nag-protesta sa harapan ng tanggapan ng OWWA ang mahigit sa  200 Pinoy na galing sa naturang bansa dahil sa panawagan na tulong na dati na umanong ipinangako sa kanila. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply