1400 paaralan sa Japan ira-radiation test

SINIMULAN na ang radiation test sa may 1400 eskwelahan sa Fukushima region, ayon sa ulat.

Ang mga opisyal sa lokal na pamahalaan ng nasabing lugar ay guamawa ng emergency program upang ma-measure ang antas ng radiation sa mga eskwelahan partikular na ang mga school playground.

Sa loob ng dalawang araw isasailalaim ang 1,400 schools at nurseries sa radiation test sa kabila ng ng pangamba ng mga magulang sa nagpapatuloy na leak sa Fukushima Daiichi nuclear power plant.

Ipanayo naman ng mga awtoridad na manatili lamang ang mga mag-aaral sa labas ng 30km (19mile) exclusion zone mula sa nasabing planta ng nukleyar.

Samantala, patuloy naman ang Japan sa pagtatapon ng low levels radioactive water sa karagatang Pasipiko. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply