1,000 sundalo sasagip sa 17 minero landslide

MAHIGIT 1,000 sundalo ang ipinadala sa Compostela Valley para sagipin ang 17 minero na naipit ng buhay sa minahang natabunan matapos magkaroon ng landslide sa lugar noong Biyernes Santo, Abril 22.

Ayon kay Maj. Gen. Jorge Segovia, hepe ng Army Second Infantry Division, nagpadala na ang Army ng apat na platoon o mahigit sa 1,000 sundalo sa Barangay Kingkin, Pantukan para ikasa ang retrieval operations.

Samantala, sinabi naman ni Senior Supt. Aaron Aquino, provincial director ng Compostela Valley police, na magpapadala rin ang Philippine Air Force (PAF) ng mga personnel para tumulong sa pagsagip sa mga biktima.

Gayunman, sinabi ni Aquino na maliit na lamang ang tiyansang makahanap pa ng mga survivors.

“Baka wala na rin po unless meron pa pong possibility na may survivor po na tumakbo papuntang loob ng kanilang mga tunnels at ngayon ay buhay pa rin,” pahayag ni Aquino.

Kahit naman sinuspinde na ng lokal na pamahalaan ang operasyon ng minahan sa lugar sa loob ng 30 araw, may ilan-ilan pang lumalabag sa suspensyon.

“’Yung iba eh matitigas pa rin yung ulo at tuloy pa rin,” wika ni Aquino.  Robert C. Ticzon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply