11 Pagyanig sa Bulkang Taal naitala ng Phivolcs

NAKAPAGTALA ng 11 volcanic quakes ang bulkang Taal sa Batangas sa loob lamang ng 24-oras.

Ayon sa update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumaas na rin ang temperatura ng tubig sa main crater lake.

“The seismic network around Taal Volcano recorded 11 volcanic earthquakes during the past 24 hours. Water temperature slightly increased from 30 to 30.5 degrees Celsius. Gas measurements conducted at Taal Main Crater Lake last January, February and March 2011 yielded carbon dioxide (CO2) emission values of 2,250 tonnes per day (t/d), 1,875 t/d and 4,670 t/d respectively,” base pa sa update ng Phivolcs.

Nananatili naman ang Alert Level 2 sa naturang bulkan.

Inaabisuhan din ang publiko na bawal dumako sa ang Main Crater, Daang Kastila Trail at Mt. Tabaro (1965 -1977 Eruption Site) dahil sa posibleng pagsabog at sa high concentration ng toxic gases.

“Breathing air with high concentration of gases can be lethal to human, animals and even cause damage to vegetation,” ayon pa sa Phivolcs. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply