112 OFWs inabuso ng amo sa Kuwait, balik-Pinas na

NAKAUWI na ng Pilipinas ang 112 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Kuwait na inabuso umano ng kanilang mga amo doon.

Personal silang sinalubong ni Vice President Jejomar Binay Miyerkules ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City.

Sa kanilang pagharap sa bise presidente ay ikinuwento nila ang mga hirap na kanilang dinanas sa malulupit na employer.

Ipinangako naman ni Binay na tutulungan ang mga nasabing OFW upang mapanagot ang kanilang mga recuiter. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply