12 karo ng patay nasunog

UMABOT sa 12 karo ng patay ang nasunog nang mag-spark ang trouble light na gamit ng mekaniko sa isang punenarya sa Malabon City Sabado ng umaga, Abril 16.

Dakong alas-9:14 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa garahe ng Floresco Funeral Homes sa Dagat-dagatan Ave., Longos sa nasabing lungsod na pag-aari ni Conrado Flores.

Sa pahayag ni Vicente Arinto, mekaniko, ginagawa niya ang isang sasakyan sa nasabing lugar nang mag-spark ang gamit na trouble light.

Bigla na lamang nagliyab ang gasolina na ginagamit sa panghugas ng mga piyesa na naging dahilan upang madamay na ang ibang sasakyan.

Nadamay rin ang isang parte ng chapel kung saan mabilis na nagdatingan ang mga bumbero at naapula ang apoy dakong alas-9:45 ng umaga.

Wala naman naiulat na namatay o nasaktan sa nasabing sunog habang inaalam pa kung magkanong halaga ang napinsala. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply