12 pagyanig sa bulkang Taal naitala sa magdamag

NAKAPAGTALA na naman ng 12 pagyanig ang Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs) sa bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na magdamag.

Ayon pa sa Phivolcs, bahagya ring tumaas ang temperatura ng tubig sa crater nito na naitala sa 31.8°C mula sa 30.8°C.

Pinangangambahan din ng Phivolcs ang nakaambang pag-akyat ng magma sa bunganga nito dahil sa patuloy na pagpapamalas ng abnormalidad ng bulkan.

Bunsod nito, nakataas pa rin ang alert level 2 sa bulkan kung saan pinapayuhan ng Phivolcs ang taong bayan na iwasan muna ang Main Crater, Daang Kastila Trail at Mt. Tabaro.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply