12 pinangangambahang namatay sa gumuhong tunnel

PINANGANGAMBAHANG 12 tao ang namatay makaraang ma-trap sa gumuhong railway tunnel sa northwest sa bayan ng Gansu, China.

Batay sa ulat ng pamalaan sa Sandan, Gansu, ang tunnel ay gumuho bandang alas-4:00 Miyerkules ng madaling araw, Abril 20 sa bayan ng Shandan lungsod ng Zhangye sa ginawang bagong riles na nasa pagitan ng kapitolyo ng Lanzhou at lungsod ng Urumqi, Xinjiang Uygur Autonomous Region.

Sa ginawang paghahap ng mga rescue team, wala nang nakitang senyales na buhay sa gumuhong tunnel.

Sinikap pa ng Gansu provincial fire department na gamitan ng special equipment sa paghahanap ng mga biktima pero wala na silang nakitang senyales na buhay ang mga taong natabunan ng gumuhong bato.

Ayon sa report ni Fang Guojian, union chairman ng Second  Second Bureau of China Railway Co. Ltd., ang  prime contractor bagong railway, hindi pa nakikita ang 12 workers na pawang trabahador ng Fang’s company.

Hahigit sa 500 rescuers ang kasalukuyang naghahanap sa site. Ayon pa kay Fang lubhang nahihirapan ng mga  rescue work dahil may panganib pang gumuho ang lupa at tumatagas na tubig sa lugar. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply