121 Pinoy seaman bihag ng Somali pirates

MAY 121 bilang ng mga Filipino seafarer ang bihag ngayon ng Somali pirates base sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ay matapos maidagdag sa bilang ng mga hostage na Filipino seaman ang panibagong 15 international Pinoy seafarer na binihag ng mga Somali pirates kanina ayon na rin sa ipinarating na ulat ng European Union Naval Forces.

Nabatid na batay sa tala ng DFA, simula buwan lamang ng Marso ay umaabot na sa 121 ang bilang mga Pinoy na nabibihag ng mga pirata.

Sa ulat ng EU-NAVFOR, isang Italian registered  Bulk Carrier na M/V Rosalia D’Amato ang  hinijack ng mga pirata sa Somalia na may lulan na 15 Filipino seafarers at anim na Italian nationals.

Ayon sa European Union Naval ang MV Rosalia D’Amato ay hinijack sa may 350 nautical miles timog-silangan ng Salalah, Oman, sa bahagi ng Indian Ocean ng mga aSomali pirates na armado ng mataas na kalibre ng baril at rocket propelled grenades.

Ang MV Rosalia D’Amato ay nakarehistro sa Maritime Security Centre-Horn of Africa MSC (HOA) At nagre report sa UK Maritime Trade Operations (UKMTO), ay patungo na sana sa Bandar Imam Khomeini (Iran) mula sa Paranagua (Brazil) nang inatake ng mga pirata.

Patuloy namang minomonitor ng EUNAVFOR ang sitwasyon ng na-hijack na MV Rosalia D’Amato. Verlin Ruiz

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply