123 patay sa crackdown sa Syria

UMABOT na ng 123 katao ang napatay sa Syria sa dalawang magkasunod na araw sa isinasagawang crackdown ng mga security forces ni President Bassar Assad laban sa mga nagpoprotesta.

Ang naturang insidente ay nagbunsod ng pagbibitiw ng dalawang mambabatas at isang lider ng simbahan.

“I cannot tolerate the blood of our innocent sons and children being shed,” ayon kay Sheikh Rizq Abdul-Rahim Abazeid, isang mufti o religious lider ng Daara region.

Nabatid na nagbitiw na sa kanilang puwesto ang dalawang mambabatas na sina Sina Nasser Hariri at Khalil Rifai

“If I cannot protect the chests of my people from these treacherous strikes, then there is no meaning for me to stay in the People’s Assembly. I declare my resignation,” ayon kay Hariri.

“112 people were killed on Friday and at least 11 on Saturday,” ayon sa hepe ng Syria National Organization for Human Rights na si Ammar Qurabi. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply