13 rebelde patay sa bomba sa Libya

LABINTATLONG rebelde ang namatay matapos mabagsakan ng bomba ng NATO forces na dapat sana ay sa mga tauhan ni Moammar Gadhafi.

Kinumpirma ni Libyan Opposition spokesman Mustafa Gheriani ang nakakalungkot na nangyari sa kanilang hanay.

“As regrettable as it may be, we understand that we might have to give up lives for the greater good. We have to look at the bigger picture. This is a war and the lines are so fluid going back and forth, so it’s natural that mistakes will happen.”, ayon kay Gheriani.

Ito ang nagiging mabigat na problema ng NATO forces dahil wala silang koordinasyon sa mga rebelde na kanilang sinusuportahan.

Nangyari ang pagkakasawi ng mga rebelde matapos pumasulong ito papuntang Brega na kasalukuyang binobomba ng NATO. Nasugatan din ang pitong mga rebelde sa naturang insidente.

Ayon kay Zio, isang estudyante ng Qar Younis University at isa na natamaan, ay hindi umano siya galit sa coalition forces dahil sila umano ang nagproprotekta sa kanila. Pagkalabas niya umano sa ospital ay nakahanda siya bumalik sa labanan para sa kalayaan ng mga Libyano.

“I’m not saddened for what happened to us. It so happened that we do not have proper coordination. It’s the coalition that protects us,” ayon sa kay Zio na hindi maibukas ang mga mata dahil sa maga ang mukha nito. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply