1,375 katao malapit sa Taal Volcano inilikas

UMAABOT na sa 1,375 katao ang nailikas ng mga awtoridad mula sa anim na mga barangay malapit sa Taal Volcano sa Batangas, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ito ay bunsod ng inilabas na advisory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil sa mga naramdamang pagyanig mula sa naturang bulkan.

Nakapagtala na ang Phivolcs ng 10 seismic activities mula sa bulkang Taal.

Nabatid sa NDRRMC, nasa itinalagang evacuation center ang mga inilikas.

Naramdaman ang mga pagyanig sa Brgy. Pira-Piraso at Brgy. Calauit.

Patuloy pa ring nakataas sa alert level 2 ang naturang bulkan habang patuloy naman ang monitoring ng Phivolcs. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply