16 katao hinostage sa Agusan del Sur

HINILING ng mga armadong lalaki na palayain si Undo Perez at tatlong iba pa kapalit ng 16 katao na hinostage Biyernes ng hapon, Abril 1, sa Prosperidad, Agusan del Sur.

Batay sa nakalap na ulat mula kay Mayor Albin Magdamit, ang motibo ng mga hostage takers ay palayain ang kanilang kamag-anak na nakakulong sa Agusan del Sur.

Ayon sa pinakahuling report na ibinigay ni Magdamit sa awtoridad, ang pangho-hostage ay nagsimula dakong 4:00 ng hapon. Kabilang sa mga hinostage ang mga guro at dalawang bata.

Batay sa report ang apat sa limang hostage-taker ay kabilang sa angkan ng pamilya Perez na pawang armado ng M-16 at M14 riffle  at giniit ang pagpapalaya sa kaanak na si Undo Perez.

Magugunitang si Undo Perez ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest noong nakaraang Disyembre 2009 kaugnay sa pag-iingat na malalakas na kalibre ng baril.

Bukod sa warrant of arrest si Undo Perez, ay sinampahan ng patung-patong na kasong murder ng pamilya ni Joel Tubay.

Nasasangkot din si Undoy panghohostage ng 75 elementary students, teachers at residente sa Sitio Maitum, Barangay San Martin Prosperdad, Agusan de Sur noon ding Disyembre 2009. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply