14 na ang patay sa Maguindanao clash

SA KABILA ng pagtanggi ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na kumpirmahing may nagaganap labanan sa pagitan ng angkan ng mga Mangundadatu at isang Moro Islamic Liberation Front Base Command sa Maguindnao ay iniulat na umakyat na sa 14 ang napapatay dito.

Ayon kay Gen. Eduardo Oban, AFP chief of staff, wala pang official report hinggil sa napabalitang ambush at enkuwentro na naganap sa Barangay Tenuk, Mangudadatu, na nagsimula pa noong Linggo ng hapon.

“Sketchy lahat yung (report),” ayon kay Oban. “Basta may violence dun between two warring groups.”

Subalit sa ulat ni Col. Prudencio Asto, Army 6th Infantry Division public affairs chief, sampu na ang napapatay sa panig ng mga tauhan ng mga Mangudadatu, kung saan lima rito ang kanyang mga kamag-anak, habang apat naman ang nasawi sa grupo ng MILF.

Ang tanging nilinaw ni Oban, sa panayam nitong Lunes matapos ang ginanap na Mass Oath of Allegiance sa Camp Aguinaldo canopy, may itinalaga nang karagdagang puwersa doon upang maiwasang lumala ang kaguluhang nagaganap.

Sinasabing tumitindi ang nagaganap na sagupaan sa Maguindanao na kinasasangkutan ng mga kamag-anak ni Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu at ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) commander Tautin Salendab, ng 109th base command.

Magugunitang iba-ibang ulat muna ang lumutang kahapon bago kinumpirma ng mga awtoridad na may nangyaring sagupaan sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon naman kay Mangudadatu, tutol ang mga rebelde sa isinasagawa nilang road project kaya’t ito umano ang posibleng pinag-ugatan ng away.

Itinanggi naman ni Eid Kabalu, tagapagsalita ng MILF, na sangkot ang kanilang 109th base command sa sinasabing sagupaan. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply