15 Pinoy bihag ng Pirata sa Somalia

BINIHAG ng mga pirata ang 15 Pinoy kasama ang anim pang iba makaraang i-hijack ang MV Rosalia d’Amato sa Somalia.

Kinumpirma ng European Union Naval Force ang naturang balita, nagpapatrolya sa karagatan sa paligid ng Somalia.

Ayon sa European Union Naval Force (EU-NAVFOR), hinijack ang MV Rosalia D’Amato sa 350 nautical miles timog-silangan ng Salalah, Oman, sa bahagi ng Indian Ocean.

Nabatid na nakarehistro ang MV Rosalia D’Amato sa Maritime Security Center, kung saan may 21 crew members na kinabibilangan ng anim na Italians at 15 mga Pinoy.

“The 74,500-tonne Italian-flagged and owned vessel was on its way to Bandar Imam Khomeini (Iran) from Paranagua (Brazil) when it was attacked by a single skiff. Coalition warships had communications with the vessel and were told: ‘pirates onboard stay away’. The MV ROSALIA D’AMATO has a crew of 21 (6 Italians, 15 Filipinos),” bahagi ng kalatas ng EU-NAVFOR.

Ayon pa sa report, patungo sana ang nasabing cargo vessel sa Bandar Imam Khomeini (Iran) mula sa Paranagua (Brazil) nang inatake ng mga pirata. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply