16 na pagyanig naitala sa bulkang Taal

NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng 16 na pagyanig sa bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, patuloy ding tumataas ang temperatura ng tubig sa Main Crater Lake mula 29.8 ay naitala ito sa 30.1 degrees Celsius.

Patuloy na nakataas pa rin sa Alert Level 2 ang naturang bulkan kung saan ipinagbabawal pa rin ang pagtungo sa Daang Kastila Trail at Mt. Tabaro. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply