16 na ulilang paslit nailigtas sa sunog sa Pasay

WALANG napaulat na nasaktan nat nailigtas ang 16 na bata makaraang masunog ang bahay ampunan sa Pasay City kagabi, Marso 6.

Ayon kay Pasay City Fire Bureau Chief Inspector Douglas Guiyab, nailigtas ang mga bata sa bahay ampunan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) makaraang matupok bandang 9:30 ng gabi ang isang bahagi ng DSWD compound sa Pasay City.

Nabatid na biglaan ang naging paglaki ng apoy sa mismong tinutuluyan ng mga abandonadong bata na umabot pa sa ikalawang alarma bago naapula.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng fire department, nagmula ang sunog sa pumutok na bombilya bago kumalat sa ibang bahagi ng gusali.

Mabilis na nakalikas ang mga bata at nakaiwas sa sunog. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply