16 nalason sa isda sa Cagayan

NALASON ang may 16 katao makaraang kumain ng kilawin na isda sa Ballesters, Cagayan.

Ayon sa panayam sa radio kay Dr. Nicasio Galano, head ng Ballesteros District Hospital, sumakit ang tiyan n mga bitkima makaraang kumain ng kilawin na munamon, isang klase ng maliliit na isda.

Nabatid kay Galano, posibleng hindi naging malinis ang paghahanda sa kinilaw na isda bago kainin.

May posibilidad din umano na nakainom ng ng maruming tubig ang mga ito kung kaya’t sumakit ang kanilang mga tyan.

Sinabi pa ni Galano, kung hindi umano kaagad naisugod sa ospital ang mga ito ay posibleng makaranas sila ng cholera o pagkakaroon ng madalas at matubig na pagdumi. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply