17-anyos na UP student nagpatiwakal

NAGSASAGAWA na ng masusing imbestigasyon ang Taytay Police kaugnay sa pagbibigti ng 17-anyos na college student ng University of the Philippines (UP) Manila Campus sa bayan ng Taytay.

Kinilala ni Taytay chief of Police P/C. Insp. Arthur Masungsong ang biktima na si Kerby Salengua, 1st year dentistry, ng Blk 1, Lot 649,  Purok 2, Sitio Lupang Arienda, Brgy. Sta. Ana, nasabing bayan.

Sa ulat, dakong 10:45 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng kanyang ina na si Elian Robillos-Salengua sa loob ng kuwarto nito.

Ayon sa ina, ginising niya ang anak para paalalahanan na magpapa-enrol na sa nasabing unibersidad.

Dahil sa walang sumasagot, sapilitang binuksan nito ang kuwarto ng anak at dito nadiskubre ang ginawang pagpapakamatay ng huli.

Gayunman ay hindi pumayag ang mga kaanak at magulang ng estudyante na isailalim sa awtopsiya ang bangkay.

Hinala ng pulisya maaaring mayroong malalim na problema ang namatay sa kanyang eskuwelahan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply