17 Filipino seafarers pinalaya na ng mga Pirata

MATAPOS ang dalawang buwang pagkubkob sa barko, nilisan na ng mga pirata ang oil tanker kasama ang pagpapalaya sa mga nakalulang 17 Filipino seafarers.

Ayon sa International Association of Independent Tanker Owners (INTERTANKO) , nasa mabuti namang kalagayan ngayon ang mga miyembro ng “MV Irene SL”.

“INTERTANKO is delighted that the Irene SL has been released by the Somali pirates, who hijacked the tanker with (two-million) barrel oil cargo in February, and that Master, officers and crew are in good health after 58 days in captivity – especially after 12 days being used as a pirate mother ship,” ayon sa pahayag ng isang website (Manila time).

Matatandaang iniulat ng European Union Naval Task Force Somalia (EU-NAVFOR) na kinubkob ng mga pirata ang MV Irene SL noong Pebrero 9 sa 350 nautical miles southeast ng Muscat sa North Arabian Sea. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply