17 pagyanig sa Taal Volcano naitala sa 24 oras

NAKAPAGTALA ang Philippine Institute and Volcanology and Seismology ng 17 pagyanig ang bulkang Taal nitong nakalipas na 24 oras.

Batay sa ulat ng Phivolcs ngayong umaga, Abril 26, tatlo sa naturang pagyanig ay nakapagtala ng intensity III na naramdaman ng mga residente sa hilagang silangan ng volcano island na may kasamang pagdagundong.

Nabatid na tumataas pa rin ang temperatura ng tubig sa crater ng bulkan na naitala sa 31°C habang bahagyang namamaga ang paligid nito batay sa survey ng Phivolcs.

Nakataas pa rin ang alert level 2 sa bulkan kung saan pinapayuhan ng Phivolcs ang mamamayan na iwasan muna ang Main Crater, Daang Kastila Trail at Mt. Tabaro. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply