17 patay, 118 sugatan sa pag-ulan ng yelo

PATAY ang 17 katao habang 118 ang nasugatan matapos na umulan ng malalaking tipak ng yelo bunsod ng bagyong nananalasa sa Guangdong, sa timog China. iniulat Abril 18.

Base sa report, ang bagyo ay may lakas na 45.5 meters per second na nagdulot ng pag-ulan ng malalaking tipak ng yelo at malalakas na buhos ng ulan dahilan para mapinsala ang siyudad, ikasugat at ikamatay ng ilang mamamayan doon.

Sa report ng provincial flood control headquarters ng Guangzhou, kabilang sa mga napinsalang lugar ang Guangzhou, Foshan, Zhaoquing at Dongguan na nagsimula nitong Linggo, Abril 17.

Karamihan umano sa mga namatay na biktima ay nadaganan ng pader, bubungan na nagbagsakan bunga ng malakas na hagupit ng hangin at malalaking tipak na yelo.

Bukod sa naiulat na namatay at nasaktan, inaalam pa ng awtoridad kung may iba pang nadamay sa naganap na trahedya. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply