17 residente sa Palawan patay sa sakit na diarrhea

UMABOT na sa 17 residente ang naiulat na namatay dahil sa paglaganap ng sakit na diarrehea sa lalawigan ng Bataraza, Palawan.

Batay sa report, sinabi ni Dr. Eduardo Cruz, Palawan provincial health officer, ang mga biktima ay pawing mga residente ng Sitio Apad-Apad, Barangay Culandanum.

Ayon kay Cruz, ang outbreak ay hinihinalang may kaugnayan sa kontaminadong tubig na iniinom sa naturang barangay.

Bunga nito ang team ng health workers ay nakahanda para magtungo sa nasabing lugar para masugpo ang paglaganap ng karamdaman dito.

Nabatid sa ulat, ang mga health workers ay nahihirapan para marating ang area dahil aabot ng 225 kilometero ang layo nito sa punong tanggapan ng provincial head sa Puerto Princesa City, kung saan ang team ay kinakailangang maglakad ng apat hanggang limang oras para marating ang barangay.

Magugugunita na noong nakaraang taong 2006, mahigit sa 20 katao ang namatay matapos manalasa ang sakit sa 15 barangay. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply