Sariling bungo pinasabog ng 19-anyos tambay

ISASAILALIM sa masusing imbestigasyon ang pagkamatay ng 19-anyos na binata matapos makitang nakahandusay na may tama ng bala sa ulo, una nang napaulat na nagbaril sa sarili sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si Mark Justine Lovipayan, ng 629 A- Builacajn St., Gagalangin, Tondo.

Sa ulat, Huwebes ng 7:45 ng gabi nang matuklasang wala nang buhay ang binata sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Bagama’t sinasabing nagpatiwakal ang biktima, hindi pa rin iniaalis ng pulisya na may foul play sa insidente. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply