19 pagyanig sa Taal naitala

TINATAYANG 19 volcanic earthquakes ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24 oras.

Naitala sa nakalipas na tatlong araw na pataas ang bilang ng pagyanig ng Phivolcs, kung saan naramdaman sa Brgy. Calauit na nasa southeastern part ng volcano island ang pagyanig bandang 12:23 ng hatinggabi, Abril 23, na naitala sa intensity 11.

Dakong 4:30 naman ng madaling araw, Abril 23, naramdaman ang intensity III sa Brgy. Pira-piraso na nasa northeastern part ng bulkan na sinundan pa ng “rumbling sounds.”

Nabatid na mainit pa rin ng temperatura sa main crate lake na umabot sa 31.5 degrees Celsius.

Nanatiling nasa alert level 2 ang bulkan at ipinagbabawal pa rin ng mga awtoridad ang pagtungo sa main crater nito, Daang Kastila at Mt. Tabaro ang lugar na sinalanta sa mga nakalipas na pagsabog. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply