19 sugatan sa tumagilid na bus sa Mindoro

BUMALIGTAD ang isang bus na sanhi ng sugatan na 19-katao kaninang madaling araw sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Supt. Christopher Abesia, hepe ng Calapan Police, ang Ceres Bus (DXU 921) ay binabaybay ang Sitio Calauan, Barangay Lumang Bayan nang ma-flat ang gulong ng bus.

Ito ang naging dahilan kaya’t tumagilid ang bus at tuluyan nang bumaligtad.

Ayon sa mga ulat, ang mga sugatan ay dinala sa Maria Estrella Hospital, kung saan apat na lamang sa mga sugatan ang nananatili pa rito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply